Eto na naman ako. Nagmumunimuni.... isang taon ang nakalipas mula ng mailagay ko ang ibang mga post... magcopy paste ng mga kung ano ano... at magcomment kung ano ba talagang problema ng mga tao ngayon... marami nang nangyari, lumabas ang term na sottoism (i wont dare say the meaning of this word), kinansela na ang jersey shore, patuloy pa ring nawawalan ng kulay at saysay ang musika, at mga friendzone, mga pare, sikat na sikat... likha ng mga taong nawalang ng tiwala sa sarili at nag-give up na sa taong kanilang pinapangarap... Kasi naman, masabihan lang na "hanggang kaibigan lang talaga tayo" eh, para na kayong nasaksak ng kutsilyo. Ano ba??? You dont give up on a promotion, you work hard for it... and there are many ways how, gumawa ka ng sarili mong taktika kung papaano natin mapapalambot ang puso ni "boss"...
1. eto, hindi ito reverse psychology ah, pero kung sa tingin mo wala kang kahihinatnan dyan, syempre resign... abandon quest muna... be strangers again... tapos baka mamiss ka nya, BAKA lang naman... kasi sabi nga nila "Love is sweeter the second time around". HINDI TOTOO YAN!!! ayan allcaps, baka kasi magalinlangan ka pa sa nabasa mo eh... sige nga, saan ka makakahanap ng pagkain, na mas masarap after ng first bite mo.. sige nga... kung meron kang alam na ganun, nasasarapan ka lang sa laway mong natira after nung first bite mo na yun. basta, ayun, ipakita mo kung gaano ka kahalaga sa kanya, at baka magbago isip nya.... kung nasa brotherzone/sisterzone (yes, meron nyan) ka naman, go lang ng go.... balik sa una, yung bago pa kayo magkakilala... :)))
2. do you know why they go for what you call "jerks and a-holes", naka program na talaga sa mga isip ng mga girls yung preference na matangkad, malaki katawan and such... bakit???? since primitive times, ang mga ganung types ang may kakayahan na manghuli ng pagkain at protektahan ang pamilya.... instincts na rin siguro yun. kaya kahit prinsesa ang turing mo sa kanya, malamang wag ka uminom ng expectorant(expect,expect,expect) dahil ang makukuha mo ay ang kanyang napakahalagang "friendship", pero kung gusto mo nun, why not let her be your wingman*wink*. kidding aside, so alam nyo na yung talagang laman ng item na toh???? just like old times, have "the looks and physique", be responsible and reliable, and dont give a hint na gusto mo sila.... oo malamang nagtataka ka kung anong kinalaman nya sa old times... they unconsciously try to win your approval, kaya may edge yung mga pamysterious eh... (sus, ganun naman lagi eh)
3. so ayan, ano ba karapatan kong magsabi ng mga ganito eh wala naman akong lovelife... eh kasi nakasaksi na ako ng maraming ganyan. And trust me nakakaawa tingnan ang mga ganun pangyayari... well, the truth is, sa kanila, mas mahalaga ang friendship... bakit??? laging iniisip kasi na "paano pag hindi happy ending meron kayo, at ikaw ang pinakaclose friend nya, kanino sya tatakbo??? " so dapat sa simula pa lang, state na hindi friendship ang habol mo, something more than that...
4. so paano pag friends na kayo, forever ka na bang nasa friendzone????? bahala ka kung anong gusto mong gawin, friends naman kayo ah, di mo ba masabi ng direkta????? nood kayo ng film about friends tapos nagkaroon ng happy ending... chick flick or so... (ano??? close friends kayo tapos di pa kayo nagwatch ng film together???) then tingnan mo reaction nya... kung di talaga sya naniniwala sa ganung scenarios, umalis ka bigla... send a message!!!! kung naniniwala naman sya sa ganun, patay tayo dyan sir... eto yung magrarussian roulette tayo, sabihin mo sa kanya na sya ang iyong goal... then sometimes, they say "i thought you'd never ask" but sometimes, "ay nako derp, masyado kang mahalaga sa akin, youre my friend and i really want us to stay like that..." when that happens dyan ka na mamimili kung sinong masasaktan, either tuloy lang yang friendship nyo at maghintay kang manalo sa lotto (which is highly improbable) and paasahin ang puso mo or ibreak mo na ang friendship nyo, and parehas kayong sad (lolwut??), ahaha... ganun talaga... pinasok mo yan eh...
5. oh eto na naman... may pinaghuhugutan daw ako???? nahh... wala, i swear... anyway, meron akong friend, yes babae sya, and yes, close kami... and really, i am not in the friendzone... sabi nya panoorin ko daw yung short film sa youtube na "just a nice guy" at "strangers again", pero honsetly di ko pa sya napapanood... pero kung gusto nyo, panoorin nyo..... baka may nilalaman sya eh....
6. eto im dead serious here, dahil sigurado naging friends naman kayo... alam mo naman siguro what kind of a person yung boyfriend material, at dahil binigyan na kita ng idea, bahala ka na dyan...
7. hindi ako nageenumerate ahhh, ang rason kung bakit nakanumber yan eh para di ko makalimutan kung nasaan na ako dahil makakalimutin ako... its really not organized pero kaya lang naman ako nagblog dati ay para maimprove ang typing skills ko, at wala pa ring nagiimprove... ayan nagkwento na ako... so balik tayo, hindi ko lang alam ah, pero (no offense) ang mga tao kasi ngayon, they think relationships are not long term, and if its true, after the chuchu they think they cannont be in good terms... bakit ba ganyan yan...? oo uso divorce and breakup sa mga artista pero duh??? artista ka??? ano tingin mo sa sarili mo???? hinde joke lang... anyways i really dont think na may magbabasa nito.. pero para lang may makita ako sa future kung anong mga kalokohan ang ginagawa ko ngayon.... pero sa lahat ng oras, isipin na hindi lahat tao ay naniniawala sa happy ever after, hindi lahat naniniwala sa destiny, at hindi lahat timid and shy na hindi kayang iparating ang gustong iparating, all in lang, kung deserving sya diba??? pero uulitin ko, wag uminom ng expectorant at magexpect ng kung ano man.... ikaw naman kasi may kasalanan kung kayo umabot dyan eh....
8. so eto, you're not that handsome???? youre not rich???? youre just a nice guy???? di naman lahat ng tao yan yung gusto ehh... pano naman kung yung taong nakalaan sa akin eh, out of billions of people in the planet, ay nasa kabilang side ng mundo??? think smart bro, kung nakalaan talaga sya para sayo, just do your best and the other will do the rest.. (chos) basta, wag lang magsalita ng tapos.
-hindi lahat ng ineexpect mong mangyari, nangyayari... parang test lang yan eh... just expect for the worst, hope for the best... :)))))))))))))))))))) (conwi)